Mga Domestic issues sa China lumalala! Posible umanong mapatalsik si Chinese President Xi Jinping

Mga Domestic issues sa China lumalala! Posible umanong mapatalsik si Chinese President Xi Jinping

Binalaan si Chinese President Xi Jinping dahil nahaharap umano ito sa isang malaking banta sa loob ng China at mas malaki pa ito kaysa sa isyu ng South China Sea. Kasalukuyang pinapalakas ng China ang pangdepensa nito sa South China Sea upang maiwasan o mapigilan ang anumang gagawing pag-atake ng mga kalaban nito sa pinagtatalunang karagatan.

Ngunit sinabi ng isang researcher ng Asia-Pacific Program sa Chatham House na si Bill Hayton na si President Xi Jinping ay nahaharap sa maraming mga domestic na isyu at mas malubha pa umano ito kumpara sa sinasabi niyang mga pag-atake sa South China Sea.

Sa pagsasalita niya sa Express.co.uk, sinabi ni Hayton na wala umanong banta laban sa China sa South China Sea kaya’t nahihirapan siyang intindihin ang mga aksyon ng Beijing. Sa palagay niya na ang pinakamalaking banta kay Xi Jinping ay ang mga domestic issues dahil dapat muna niyang unahin ang mga pangangailangan ng kanyang mamamayan.

Sinabi niya na walang sinuman ang naghahangad na salakayin ang China. Nakikita lamang niya ang mga coastal states tulad ng Vietnam at Pilipinas na sinusubukang protektahan ang kanilang mangingisda, oil at gas industries at mga barko na nagmula sa ibang mga bansa na dumadaan sa South China Sea.

Panloob na isyu sa China malubhaXi Jinping posibleng mapatalsikMas malaki pa kaysa sa SCS na isyu

Post a Comment

0 Comments